GOOD NEWS: DAGOP DATEK VISUAL ARTS EXHIBIT,PORMAL NG BINUKSAN SA BAYAN NG LINGAYEN PANGASINAN

Katuwang ang Mavi Art Gallery, pormal na binuksan ng Pamahalaang Panlalawigan ng Pangasinan, sa pamamagitan ng Provincial Tourism and Cultural Affairs Office ang Dagop Datëk Visual Arts Exhibit sa Casa Real sa bayan ng Lingayen, Pangasinan.
Mula sa salitang Pangasinan na “dagop” na nangangahulugang “magtipon” at “datëk” na nangangahulugang “kulay”.

Ang exhibit na ito ay nagsisilbing isang malikhaing espasyo kung saan nagtatagpo ang mga kulay at mga tao, na lumilikha ng pagsasama-sama ng sining, mga artista, at lokal na komunidad.

Tampok sa exhibit na ito ang mga likhang sining ng Philippine National Artists na sina Federico Aguilar Alcuaz, Abdulmari Imao gayundin ang mga gawa ng iba pang kilalang Filipino visual artist sa buong Pilipinas.

Ayon sa kanilang tourism office, ito ay free admission at bukas sa publiko mula October 25 hanggang December 16, 2022, Lunes hanggang Biyernes, 9AM hanggang 4PM. |ifmnews


Facebook Comments