Good News | Dagupan City tinanghal na Overall Champion!

Isinakatuparan nga ng mga atleta ng Dagupan City ang mithiin ng kanilang team na gumawa ng history sa larangan ng sports.

Hindi naman sila nabigo dahil sa katatapos na Region 1 Athletic Association Meet (R1AA) ay tinanghal silang Over-All Best Performing Delegation. Nasungkit nila ang 70 golds, 52 silvers, 38 bronze sa medal tally ng komite.

Malugod na pinangunahan ni Dagupan City Mayor Belen Fernandez ang pagtanggap sa nasabing parangal kasama ang iba pang mga opistayales sa sports & DepEd at mga atleta ng lungsod.


Photo-credited to Mayor Belen Fernandez Facebook

Facebook Comments