GOOD NEWS! | DFA, kinumpirmang walang Pinoy na nadamay sa madugong insidente sa Germany

Manila, Philippines – Kinumpirma ng Department of Foreign Affairs (DFA) na walang Filipino na nadamay sa madugong insidente na naganap sa Germany noong Sabado.

Matatandaang 3 katao ang nasawi habang 20 naman ang sugatan makaraang araruhin ng isang van ang tumpok ng mga tao sa Munster, North Rhine-Westphalia Germany.

Ayon kay Foreign Affairs Secretary Alan Peter Cayetano kaisa ang bansa sa pakikiramay at pakikiisa sa pagdadalamhati sa mga nasawi at nasugatan sa naturang insidente.


Sa ulat ni Honorary Consul Heinz-Peter Heidrich kay Sec. Cayetano sinabi nito na ligtas ang lahat ng ating mga kababayan doon.

Pero patuloy pa rin aniya ang monitoring nila sa 22,500 na mga Pinoy na nakatira at nagttrabaho sa nasabing bansa at pinaalalahan na manatiling vigilante.

Una nang sinabi ng mga awtoridad sa Germany na walang kaugnayan sa terorismo ang insidente.

Facebook Comments