Manila, Philippines – Target maipamahagi ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) ang cash grants sa walong milyong household beneficiaries sa susunod na buwan.
Layunin nito na maibsan ang epekto ng Tax Reform for Acceleration and Inclusion (TRAIN) Law sa mga mahihirap at marginalized Filipinos.
Sa ilalim ng Unconditional Cash Transfer (UCT) program ng gobyerno, ang cash subsidy at ibibigay sa 10 milyong households para matulungan kasabay ng tumataas na presyo ng mga bilihin at serbisyo.
Ayon kay DSWD Undersecretary Emmanuel Leyco, 200 pesos na buwanang subsidy ang matatanggap ng mga benepisyaryo ngayong taon, 300 pesos per month sa 2019 at 2020.
Kabilang sa mga mabebenepisyuhan ay ang 4.4 million beneficiaries ng Pantawid Pamilya Pilipino Program (4Ps), tatlong milyong social pensioners, at 600,000 listahan ng validated beneficiaries.