GOOD NEWS | Halos 100 milyong Pilipino, covered na ng PhilHealth

37

Manila, Philippines – Umabot na sa 97 milyong Pilipino ang covered na ng PhilHealth mula nitong katapusan ng 2017.

Ayon kay PhilHealth President and CEO Roy Ferrer, katumbas ito ng 93% ng kabuuang populasyon ng bansa.

Aniya, ang serbisyo ng PhilHealth ay naipapaabot na rin lalo na sa mga mahihirap.

Sinabi ni Ferrer, nananatiling committed ang PhilHealth na mabigyan ang lahat ng Pilipino ng kinakailangang financial access sa health care, isang karapatan na nakasaad sa ilalim ng Republic Act 7875.

Pinalalawak pa ng PhilHealth ang benefit packages nito para sa pangangailangan ng mga tao.

Facebook Comments