Manila, Philippines – Halos apat na libong kilometrong kalsada na ang natapos ng Department of Public Works and Highways (DPWH) mula nang magsimula ang termino ni Pangulong Rodrigo Duterte.
Ayon kay DPWH Secretary Mark Villar, pinalawak nila ang nasa 1,908 kilometer ng kalsada, nakagawa ng 328 kilometer ng bypasses at diversion roads, tinapos ang 393 kilometers ng missing gaps na kokonekta sa national roads.
Nakagawa rin aniya ng nasa 1,316 kilometers ng access roads.
Pinalawak ang 511 tulay, pinatilan ang nasa 204 tulay at nakapagtayo ng 127 bagong tulay.
Nasa 939 na tulay ang isinailalim sa rehabilitasyon habang 642 na tulay ang pinagtibay.
Ang pagsisikap na ito ng DPWH para maresolba ang poor infrastructure ng Pilipinas sa ilalim ng maambisyosong ‘build, build, build’ program ay layuning makamit ng bansa ang pagiging high-middle income economy sa 2022.