GOOD NEWS: HALOS 7000 ALAMINIANS, SAMA-SAMANG NAGHUGAS NG KAMAY BILANG PAKIKIISA SA GLOBAL HANDWASHING DAY

Sama-samang naghugas ng kamay ang 6,900 na estudyante, guro, opisyal ng paaralan, magulang at non-teaching staff noong ika-15 ng Oktubre sa Alaminos City National High School bilang selebrasyon ng Global Handwashing Day (GHD).
Ayon sa School Nurse na si Jennalyn Orlanda, ito ang pinakamaraming bilang ng mga nakiisa para sa GHD.
Naglalayon ang programa na hindi lang ang eskwelahan ang makiisa, kundi na rin ang lahat ng mamamayan sa Bayan ng Alaminos.

Ang nasabing programa ay balak gawin kada taon upang maging kaugalian ang tamang paghuhugas ng kamay nang sa ganun ay maiwasan ang posibleng pagkakaroon ng sakit. |ifmnews
Facebook Comments