GOOD NEWS | Higit 200 modernong jeepneys, ipapamahagi ng DOTr ngayong araw

Manila, Philippines – Nakatakdang ipamahagi ngayong araw sa Quirino Grandstand sa Maynila ng Department of Transportation o DOTr ang mahigit sa dalawang daang modernong pampasaherong jeepney.

Ayon sa DOTr, ito ay bahagi ng PUV Modernization program ng gobyerno na palitan ang mga Public Utility Vehicles (PUV), na may edad labing limang taon o mas mataas pa.

Ang makatatanggap ng modernong jeep ay ang operators na may prangkisang kumpirmado ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board o LTFRB.


Ang mga unit ay may slide doors, mas mataas ang ceiling at mas maluwag kumpara sa makalumang jeepneys.

Accessible din ang mga ito sa person with disabilities o PWDs; may wifi, GPS, CCTVs, dash camera, speed limiter at automatic fare collection system.

Pagtitiyak ng DOTr, ang mga modernong jeep ay alinsunod sa Clean Air Act of 1999 para less pollution.

Nabatid na ang mga modernong jeepney ay may class 1 na kasya ang 9 hanggang 22 na pasahero; class 2 o malaki para sa 22 na pasahero pataas at pwede ang tayuan; at class 3 na kayang magsakay ng 22 na pasahero, pero lahat nakaupo o bawal ang tayuan.

Facebook Comments