Manila, Philippines – Kinumpirma ni Trade and Industry Secretary Ramon Lopez na magtatayo ang isang Chinese steel company na Panhua Group Co., Ltd. ng 305-hectare na integrated steel manufacturing plant sa PHIVIDEC Industrial Estate sa Misamis Oriental-Special Economic Zone.
Ito ay bunga ng nilagdaang memorandum of understanding sa pagitan nila Panhua Chairman Xinghua Li, PHIVIDEC Industrial Authority CEO at Administrator Atty. Franklin Quijano at Philippine Economic Zone Authority Deputy Director General Tereso Panga sa ginawang sideline visit ni Chinese President Xi Jinping sa bansa
Ang 3.5B USD na investment ay magkakaroon ng integrated steel mill, industrial park at iba pang downstream industries kung saan inaasahang matatapos ang three-phase project sa loob ng 7 taon at makakapag generate ng limampung libong trabaho sa mga Filipino.
Sinabi ni Secretary Lopez na ang nasabing kasunduan ay lalong magpapalakas sa relasyon ng Pilipinas at ng China dahil sa inaasahang makakamit nito ang lumalaking demand sa iron and steel industry.