Manila, Philippines – Higit 9,000 manggagawa ng pineapple company na Dole Philippines Inc. ang mare-regular sa kanilang trabaho.
Ayon kay Department of Labor and Employment (DOLE) Undersecretary Joel Maglungsod, inaasang tutungo ng South Cotabato si Secretary Silvestre Bello III ngayong linggo para lagdaan ang Memorandum of Agreement (MOA) kasama ang Dole Philippines para sa regularization ng mga trabahador.
Pero nilinaw ni Maglungsod, mayroon pang kinakailangang ipatupad na action plan.
Nitong Mayo, aabot sa 3,377 kumpanya ang nakitang nagsasagawa ng labor only contracting arrangements.
Ang Dole Philippines ay kabilang sa listahan ng top 20 non-compliant workers na may higit 10,000 apektadong manggagawa.
Sa huling datos ng DOLE, nasa 176,286 na manggagawa na ang na-regular dahil sa pinaigting na labor enforcement system ng ahensya.