Manila, Philippines – Nakauwi na ng Pilipinas si Pangulong Rodrigo Duterte matapos ang kanyang pagdalo sa Boao Forum sa China at pagbisita sa Hong Kong.
Sa kanyang arrival speech sa Davao International Airport, bitbit niya ang higit siyam na bilyong pisong halaga ng investment na makatutulong sa paggawa ng higit 10,000 trabaho para sa mga Pilipino.
Ipinagmalaki rin niya ang nasa 500 million pesos na financial assitance ng China at ang pagpirma sa kasunduang magbibigay ng trabaho sa nasa dalawang libong Pilipinong guro na ipapadala sa China.
Napagkasunduan naman aniya nila ni Chinese President Xi Jinping ang pagbuo ng framework ukol sa ‘join exploration’ sa West Philippines Sea.
Palalakasin din ang kooperasyon ng China at Pilipinas sa kalakalan, pamumuhuna, turismo, agrikultura, imprastraktura, depensa, agham at teknolohiya.
Binanggit din ng Pangulo ang kanyang pagbisita sa Hong Kong kung saan iniulat niya sa Filipino community doon ang mga ginagawa ng kanyang administrasyon.