Papalapit nanaman ang mga pista ng bawat bayan kung kaya’t Ibinida ang mga iba’t ibang bigat at laki ng bangus at hito na tampok sa bayan ng Binmaley Pangasinan. Bahagi ito ng Agricultural contest na naganap sa Training Center. Ito ay kabilang sa selebrasyon ng Sigay Festival nito lamang nakaraang January 31, 2023.
Ang bangus at hito ang pangunahing produkto sa nasabing bayan. Ang selebrasyon ng Sigay ay nagsimula pa noong January 15 hanggang February 2 ngayong taon. Samantala, Patuloy pa rin ang mga events sa kanilang bayan sa plaza.
Ang bayan ng Binmaley ay kilala bilang “Seafood Capital of the North”. Ipinagdidiriwang ang SIGAY FESTIVAL dahil iyon ang pangunahing pamumuhay sa nasabing bayan at upang magbigay halaga sa agrikultura. |ifmnews
Facebook Comments