Manila, Philippines – Magpapatupad rin ng bawas presyo sa kanilang produktong petrolyo ang iba pang kumpaniya ng langis ngayong araw.
Mayroong bawas P1.10 bawas sa kada litro ng diesel at P1.25 tapyas sa kada litro ng gasolina ang Total at Petron.
Parehong presyo rin ang itatapyas ng flying v sa gasolina at diesel at P0.80 na rollback nila sa kada litro ng kerosene.
Mula noong Oktubre 15, naglalaro na sa P8.95 hanggang P9.10 ang ibinaba ng presyo ng gasolina habang P6.15 hanggang P6.25 naman sa diesel.
Ayon naman sa Department of Energy, aantabayanan nila ang pulong ng Organization of the Petroleum Exporting Countries (OPEC) sa Disyembre 6 kung itutuloy ang pagbabawas ng produksiyon na magpapataas sa presyo ng langis sa pandaigdigang merkado.
Facebook Comments