Nag-anunsyo na rin ang ilan pang kompanya ng langis ng tapyas sa presyo ng kanilang mga produkto.
Ayon sa Jetti Pump, magpapatupad sila ng P2.30 bawas sa kada litro ng diesel at P1.10 bawas sa kada litro ng gasolina simula alas-6 ngayong umaga.
Parehong presyo rin ang ipatutupad ng Caltex sa kanilang diesel at gasolina habang P2.10 ang bawas sa kada litro ng kerosene epektibo hatinggabi ng Martes, Nobyembre 27.
Magpapatupad naman ang shell ng P2.30 bawas-presyo sa diesel, P2.10 sa kerosene at P1.10 sa gasolina simula Martes, alas-6 ng umaga.
Alas-6 ng umaga ng Martes din magpapatupad ang PTT Philippines, Petro Gazz at total ng P2.30 bawas sa kada litro ng diesel at P1.10 bawas sa kada litro ng gasolina.
Ito na ang ikapitong sunod na linggong nagkaroon ng tapyas-presyo sa petrolyo na inaasahang magtutuloy hanggang Disyembre.
Nauna nang nagpatupad noong Nobyembre 24 ang Phoenix Petroleum ng P2.20 bawas sa kada litro ng diesel at P1.10 bawas sa kada litro ng kerosene.
Habang nagtapyas ang SeaOil kahapon ng P2.30 sa kada litro ng kanilang diesel, P1.10 sa kada litro ng gasolina at P2.10 sa kada litro ng kerosene.