GOOD NEWS | Ilang kumpanya ng langis, nagpatupad ng higit sa pisong rollback sa presyo ng produktong petrolyo

Manila, Philippines – Sasalubong sa mga motorista ngayong araw ang rollback sa presyo ng produktong petrolyo.

Ang mga kumpanyang total, Pilipinas Shell, at PTT Philippines ay nag-anunsyong magtatapyas ng 1.20 pesos sa kada litro ng gasolina habang 90-centavos sa kada litro ng diesel.

Piso sa kada litro ng kerosene naman ang ipatutupad na bawas ng Shell.


Ganito rin ang mga halaga na itatapyas ng Petron at seaoil sa gasolina, diesel at kerosene nito.

Ang Phoenix Petroleum ay magpapatupad naman ng 1.40 pesos kada litrong bawas sa gasolina habang piso sa diesel.

Facebook Comments