GOOD NEWS | Internet speed, imo-monitor at pabibilisin pa – DICT

Manila, Philippines – Pabibilisin pa ang internet speed ng mga service providers sa bansa.

Ito ay matapos lumagda ng kasuduan ang Department of Information and Communications Technology (DICT) at Project Bass o bandwidth signal and statistics.

Ayon kay DICT acting Secretary Eliseo Rio, makatutulong ang Project Bass para makabuo ng mga polisiya at programa para mapabilis pa ang internet service na ibinibigay ng telecom companies at providers.


Ang DICT at project bass ay babantayan ang internet speed, cell site locations, inihahatid na serbisyo, maging ang user’s satisfaction sa pamamagitan ng mood meter para malaman ang sentimiyento ng bawat subscriber.

Facebook Comments