Manila, Philippines – Umakyat sa 11.82 billion dollars na halaga ng remittances na dinaan sa mga bangko ang naitala ng Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP).
Narekord ito ng BSP nitong katapusan ng Mayo kung saan 4.2% na mas mataas kumpara sa 11.35 billion dollars sa kaparehas na panahon nitong 2017.
Ayon kay BSP Governor Nestor Espenilla Jr., karamihan sa mga cash remittances ay galing sa Estados Unidos, Saudi Arabia, Singapore, United Arab Emirates, United Kingdom, Japan, Qatar, Hongkong, Germany at Kuwait.
Nagmumula sa 10 bansa ang 78% ng kabuoang cash remittances.
Ang cash remittances ay ipinapadala ng mga land-based workers (1.9 billion dollars) at sea-based workers (500 million dollars).
Tumaas din ang personal remittances ng overseas Filipinos ng 4.4% para sa January-may period sa 13.17 billion dollars.
Inaasahang aabot ng 29.2 billion dollars ang cash remittances ngayong taon.