GOOD NEWS | Isang foundation may hatid na dekalidad pero mura hanggang sa libreng pagpapagamot

Umiikot sa buong bansa ang isang foundation para makapagbigay ng libreng gamot, surgery at dekalidad na pagpapagamot sa ibat-ibang uri ng sakit.

Bukod sa pagpapaanak, libre para sa kwalipikadong mamamayan ang gamutan sa simpleng sakit, kahit cancer at mga surgery tulad sa mata, ilong, tenga at iba pang bahagi ng katawan.

Ayon kay Jude Trinidad, foundation manager ng St. Luke’s Medical Center Foundation, meron silang mga team na volunteers doctors at nurses na handang magtrabaho ng libre.


Sa mga nais mapasama sa kanilang programa ay sumadya lamang sa social service department ng St. Luke’s Global Makati at St. Luke’s Quezon City.

Samantala, malalim din ang pagpapahalaga nila sa mga nakakatanda.
Sa pakikipagtulungan ng United Bayanihan Foundation, libre na ang cataract operation maging ang lente na kung bibilin ay nagkakahalaga ng higit sa P10,000.

Sinabi pa ni ginoong Jude Trinidad na bukod sa libreng gamutan tinututukan din niya ang scholarship medical education at medical research.

Facebook Comments