GOOD NEWS: ISANG PANGASINENSE NA NAKASUNGKIT NG ASIA’S BEST FEMALE CHEF, KILALANIN

Isa nanamang Pangasinense ang naparangalan dahil sa kanyang angking talento sa pagiging chef. Isa sa mga skills nating mga pinoy ay sa pagluto at pagtambay sa kusina kung kaya’t nakilala ulit sa larangan si Chef Johanne Siy na tubong Dagupan City bilang Asia’s Best Female Chef ngayong taong 2023.
Si Chef Johanne ay isa sa may head manager ng isang kilalang restaurant sa bansang Singapore na nanguna ring napasama sa listahan para sa Asia’s Best Restaurant nito lamang nakaraang taong 2022.
Bukod sa mga awards na nakuha, siya rin ay nabigyang parangal noong taong 2021 ng World Gourmet Awards bilang Chef of the Year. Samantala, sa nalalapit naman na buwan ng Marso ay igagawad ang kanyang award para sa Asia’s Best Chef Female 2023 na gaganapin naman sa bansang Singapore.

Tunay ngang napaka talentado ng mga Pangasinense pagdating sa mga iba’t ibang larangan. |ifmnews
Facebook Comments