Dagupan City – “Kalinisan, kaayusan at sapat na kaalaman tungo sa maayos na kalusugan at masaganang pamumuhay”, ito ang naging tema ng Mother Class Program ng isang unibersidad dito sa lungsod ng Dagupan.
Pinangunahan ng mga nursing at STEM- VI na mga pinoy at foreign students noong February 07, 2018 ang nasabing class program para sa mga nanay na ginanap sa Barangay Herrero-Perez (Covered- court) Dagupan City. Sa pangunguna ni Dr. Judith M. Manuel na siyang nagbigay ng inspirational talk sa mga magulang na naroroon na sinundan ng mga pagtalakay sa paksa patungkol sa kalinisan.
Tinalakay din sa mga nanay ang tungkol sa sakit na hypertasion na karaniwang nakukuha ng mga nagkaka-edad at kung paano ito lunasan at tuluyang iwasan. Ibinahagi rin ang tungkol sa family planning upang gabayan ang mga ina sa pangangalaga ng kanilang pamilya lalong lalo na ang mga batang ina.
Inaliw din ng mga Senior High School students ang mga magulang at anak nilang naroroon sa pagtitipon. na nagbigay ng intermission number na nagpangiti sa mga bata. Nagtapos ang programa sa pamamagitan ng pagbabahagi ng pagkain sa mga bata at magulang.
Layunin ng munting programang gawing mas-responsible ang mga magulang sa pagdating sa kanilang pamilya at komunidad na kinabibilangan.
Ulat ni Jessica Paragas