Manila, Philippines – Bumubuti na ang kalagayan ng coral reefs sa bansa.
Sa report ng 2017 State of Coast, bumaba ang bilang ng coral reefs na nasa “poor condition” sa 18 percent.
Ayon kay Biodiversity Management Bureau (BMB) ecosystems management specialist Carlita Manlapaz, tumaas din sa 46.6% ng coral reefs ang nasa “fair” condition habang 31 percent naman ang nasa “good” condition.
Pero batay sa Department of Environment and Natural Resources (DENR), 4% lamang nito ang nasa “excellent condition.
Facebook Comments