Manila, Philippines – Good news para sa mga guro, nilagdaan na ng Pilipinas at China ang kasunduan para sa pagta-trabaho ng mga Filipino English teachers sa China.
Nilagdaan nina Labor and Employment Secretary Silvestre Bello III at Chinese Ambassador to the Philippines Zhao Jianhua ang Memorandum of Understanding on the Employment of Filipino Teachers of English Language in China pagkatapos ng bilateral meeting nina Pangulong Rodrigo Duterte at Chinese President Xi Jinping kagabi sa Hainan, China.
Inaasahang isang daang libong Filipino English teachers ang maaaring mabibigyang pagkakataong makapagtrabaho sa China kasunod ng MOU signing.
Maliban dito, lima pang kasunduan ang nilagdaan din ng gobyerno na Pilipinas at China.
Facebook Comments