GOOD NEWS! | Laoag International Airport, nakasama sa pinakaligtas na paliparan sa bansa

Manila, Philippines – Napabilang ang Laoag International Airport (LIA) sa pinakaligtas at secured international airports sa bansa.

Ito ay makaraang pagkalooban ng United Nations’ Aviation Technical Body ang Laoag International Airport (LIA) ng Temporary Aerodrome Certificate.

In-award ng International Civil Aviation Organization (ICAO) ang aerodrome certificate na may bisa para sa anim na buwan, o hanggang Hunyo 30 sa taong kasalukuyan.


Ang Laoag airport ay pumasa sa initial accreditation process, kasunod ng safety audit at submission ng aerodrome manual at validation audit.

Ang ICAO ay may pamantayan na nakatuon sa kaligtasan ng paliparan at mga pasahero nito, lalo na sa pagsunod sa safety manuals, pagkakaroon ng mga tauhan na may kasanayan sa pagtugon sa lahat ng emergency at pagtiyak na mahusay na napapanatili ang mga gusali.

Ang iba pang airports na mayroon certificate ay ang mga paliparan sa Manila, Clark, Davao, Cebu at Iloilo.

Facebook Comments