Patuloy ang enrolment process para sa regular classes ng Skills Training for Out of School Youth ng Notre Dame University, hanggang sa katapusan ng enero, ngayong taon.
Para sa school year twenty seventeen hanggang twenty eighteen [2017-2018], ang mga kurso gaya ng Bread and Pastry, Food Processing, Housekeeping Automotive, Computer System Servicing, at Electrical Installation ay pwede pang enrol-an ng mg aCotabateńo na kinse [15] hanggang dalawampu’t-apat [24] na taong gulang.
Nangangailang ng labin limang [15] enrolees ang kada kurso bago magsimula ang kanilang klase.
Ang kursong Electrical Installation ay nagsimula na, pero tinitiyak ni Joseph P. Fernandez, Program Head ng Office of Social Development na kaya pang humabol.
Ang Skills Training for Out of School Youth ay isang programa na nag-aalok ng mga kursong bukas para sa lahat, mapa-babae man o lalaki, o mga may kapansanan, na nakatira sa Cotabato City.
Lahat ng kurso ay hihingi ng Birth Certificate at Barangay Clearance na nagsasabing residente ang enrolee sa kanilang barangay. Hindi humigit-kumulang sa tatlong libo hanggang aat na libo ang enrolment fee ng bawat kurso.
Para sa mga interesado, magpunta sa Office for Social Development ng NDU at magtanong ng iba pang requirements. Ang mga partner industries gaya ng Em manor at Al-Nor naman ang mga lugar ng OJT o On-the Job Training ng mga kurso.
Isa pang Skills Training Program na nasagawa noong nakaraang taon ay ang MYDev o Mindanao Youth Development, na nagtapos sa hulyo, twenty seventeen [2017].
Sponsor ng USAID ang MYDev, at planadong magsisimula ang enrolment ditto sa paligid ng pebrero, ngayong taon.
Ang mga nakapagtapos sa Skills Training Program at MYDev ay agad naalokan ng trabaho galing sa mga partner industries ng programa pagkatapos sila makilala habang OJT nila.
Di gaya ng Skills Training for Out of School Youth na inaalok sa mga taga-Cotabato City, ang MyDev ay nag-aalok sa lahat ng kabataan ng Mindanao na makakayang magpasa ng mga requirements na nabanggit kanina. (Juwairiyah bint EmranMohamad, NDU BACom 3)