GOOD NEWS: LIBRENG PNEUMONIA VACCINE, HANDOG NG MGA FIRE VOLUNTEERS SA DAGUPAN

Nagsama-sama ang Panda Volunteer Fire Brigade, Batch 8 Brotherhood (Fire Protection Service) at Tingog Partylist para sa pamimigay ng libreng pneumonia vaccine para sa mga Dagupeño nitong nakaraang Linggo, October 16, 2022.
Naganap ito sa tanggapan ng Panda Volunteers sa Dagupan. Katuwang ng mga bumbero ng Panda at batch 8 brotherhood ang kanilang mga kabaro sa serbisyo mula sa Bureau of Fire Protection – Dagupan sa pagbibigay ng libreng serbisyong ito at namigay din ng mga libreng gamot para sa mga benepisyaryo.
Kasama rin ang ilang nursing students mula sa unibersidad de dagupan at kinatawan ng kabilang na partylist.

Pangunahing layunin umano ng proyektong ito na maproteksyunan ang mga naging benepisyaryo sa maaaring maging komplikasyon dala ng sakit na pneumonia. |ifmnews
Facebook Comments