Manila, Philippines – Inihayag ngayon ni Labor Secretary Silvestre Bello
III na interesado ang ilang mamumuhunang Hapones para kunin ang serbisyo ng
mga Overseas Filipino Worker o OFWs na uuwi mula sa Kuwait.
Napag-alaman na nakipagpulong ang kalihim sa ilang negosyanteng Hapones na
handang magbigay ng trabaho sa mga repatriated OFW mula sa Kuwait para sa
kanilang catering business, kung saan sila ay tatanggap ng ng 800 dollars o
katumbas ng 40 libong piso o mas mataas sa kanilang suweldo sa Kuwait.
Ayon sa kalihim, isang libong manggagawa ang kukunin ng mga negosyanteng
Hapon at posibleng madagdagan pa.
Una rito ay inihayag ni Bello na lalagda sa kasunduan Pilipinas at
Kuwait upang
makatiyak na mabibigyan ng proteksyon ang mga OFW.
Plano ng pamahalaan na gawing modelo ang kasunduan para sa iba pang
kontrata lalagdaan ng Pilipinas sa iba pang bansa para mapangalagaan ang
mga manggagawang Filipino.
<#m_3493203758248856521_DAB4FAD8-2DD7-40BB-A1B8-4E2AA1F9FDF2>