Manila, Philippines – Maaari nang makita ng mga motorista sa website ng Land Transportation Office (LTO) ang availability ng walong milyong naantalang mga plaka.
Ayon kay LTO Enforcement Chief Francis Almora, kinakailangan lamang na ipasok ang motor vehicle registration number na matatagpuan sa Official Receipt (OR) at Certificate of Registration (CR) ng motorista.
Dapat din aniyang humingi ng authorization mula sa nakarehistro ang kukuha kung hindi puwedeng pumunta ang may-ari ng sasakyan.
Pero mga plaka pa lamang ng mga nagrehistro ng Hulyo at August 2016 ang naka-upload sa website.
Nakasalalay naman sa Commission on Audit (COA) kung kailan puwedeng kunin ang mga naantalang plakang inirehistro bago mag-Hulyo 2016.
Facebook Comments