Manila, Philippines – Balik na sa magandang estado ang relasyon ng Pilipinas at Kuwait.
Ito ang masayang ibinalita ngayon ni Presidential Spokesman Harry Roque matapos naglagdaan ang Memorandum of Agreement (MOA) sa pagitan ng Pilipinas at Kuwait para sa proteksyon ng mga Overseas Filipino Workers (OFWs).
Ayon kay Secretary Roque, kabilang sa mahalagang probisyon ng MOA ay pagbabawal sa employer na kumpiskahin ang pasaporte ng PInay domestic helper bagkus ibibigay ito ng pag-iingat ng ating embahada sa KUWait.
Mayroon na ring labing dalawang oras na tulog ang mga DH at isang araw na day-off o pahinga sa isang linggo.
Sa ngayon, pauwi na sina Secretary Roque, Foreign Affairs Alan Peter Cayetano, dating Labor Secretary Marianito Roque at Labor Secretary Silvestre Bello III kasama ang 87 undocumented OFWs na pinayagan ng makauwi ng Kuwaiti Government matapos ang negosasyon.