GOOD NEWS | Mahigit 100,000 trabaho, bubuksan sa Japan

Japan – Mahigit 100,000 trabaho ang bubuksan sa Japan.

Ito ay matapos lagdaan ang Memorandum of Understanding (MOU) ng Pilipinas at Japan sa ilalim ng Technical Intern Training Program o TITP.

Hindi lang mula sa government institution ang magiging employers kundi maging sa pribadong sektor.


Bukod pa ang TITP sa mga medical workers gaya ng nurses sa ilalim ng JPEPA o Japan Philippines Economic Partnership Agreement.

Sa mga susunod na buwan posibleng lumabas na ang mga job orders at pwede na itong paghandaan at mag-abang sa website ng Philippine Overseas Employment Administration (POEA).

Isa pang good news, posibleng hindi na rin gawing requirement para sa mga Pinoy applicant na papuntang Japan na maipasa ang language proficiency exam sa Pilipinas para sa wikang Nihongo.

Facebook Comments