Mas maraming Pilipino ang nabigyan ng trabaho ngayong taon.
Base sa October 2018 Labor Force Survey (LFS) ng Philippine Statistics Authority (PSA), aabot sa 826,000 na trabaho ang nalikha ngayong taon habang nasa 41.160 million employed workers sa bansa.
Ayon kay Department of Labor and Employment (DOLE) Secretary Silvestre Bello III – patuloy na bumubuti ang employment situation sa bansa bunsod na maraming Pilipino ang nabigyan ng oportunidad sa iba’t-ibang sector tulad ng build build build program ng administrasyon.
Aniya, mas maraming manggagawa ang nag-e-enjoy ngayon ng security of tenure.
Mula nitong Oktubre, higit 400,000 manggagawa ang na-regular dahil sa mahigpit na pagpapatupad ng kampanya laban sa illegal contractualization.
Sa nasabing bilang, 70% ang boluntaryong na-regularized ng kanilang mga employer habang 30% ay sa pamamagitan ng mga isinasagawang inspeksyon ng ahensya.
Aminado pa rin ang DOLE na nananatiling hamon ang 6.735 million underemployed workers ngayong taon.