Manila, Philippines – Iginiit ni Pangulong Rodrigo Duterte na simula pa lang ng pagpapaayos sa ibang pasyalan sa Pilipinas kasunod ng rehabilitasyon ng isla ng Boracay.
Sa kaniyang SONA, iginiit ng Pangulo na nais niyang maibalik ang environmental integrity ng Boracay at magpatupad ng mga hakbang na mag-aangat sa estado ng mga naapektuhang kabuhayan.
Nagbabala rin ang Pangulo sa mga Local Government Unit (LGU) na maging aktibo sa pagpapatupad ng batas sa kanilang mga nasasakupan.
Hiniling rin ng Pangulo sa Kongreso na magpasa ng batas hinggil sa National Land Use Act na naglalayong lumikha ng isang comprehensive framework para itatag ang paggamit at mga prayoridad sa paglalaan ng lupa.
Facebook Comments