Simula July 1, magiging libre na ang pamasahe ng mga estudyante sa ilang transportasyon sa bansa mula Lunes hanggang Biyernes maliban na lamang kung Holiday.
Ayon kay Transportation Sec. Arthur Tugade, layon nito na mahikayat ang mga estudyante na pumasok at umuwi ng maaga sa paaralan.
Maaaring maka-avail ng libre ang mga estudyante.
Sa MRT Line 3: mula alas-5 hanggang alas-6:30 ng umaga at alas-3 hanggang alas-4:30 ng hapon.
Sa PNR naman ay mula alas-5 hanggang alas-6 ng umaga at alas-3 hanggang alas-4 ng hapon.
Sa LRT Line 2 naman mula alas-4:30 hanggang alas-6 ng umaga at alas-3 hanggang alas-4:40 ng hapon.
Bukod dito, libre na rin para sa mga estudyante ang terminal fee sa mga paliparan na sakop ng Civil Aviation Authority of the Philippines (CAAP) at mga pantalan na pinangangasiwaan ng Philippine Ports Authority (PPA).
Kinakailangan lang magpareshistro ang mga mag-aaral para sa isang special ID para mapakinabangan ang nasabing mga libreng sakay.