GOOD NEWS! | Mga kasambahay, makakapag-avail ng maraming leave benefits – DOLE

Manila, Philippines – Maraming leave benefits ang ma-a-avail ng household service workers o mga kasambahay.

Ayon kay Department of Labor and Employment (DOLE) Secretary Silvestre Bello III, bukod sa leave benefits sa ilalim kasambahay law (R.A.10361), maari ring mag-apply ang mga kasambahay ng leave benefits kung makakamit nito ang requirements sa ilalim ng solo parent leave (R.A. 8972).

Mayroon ding special benefit para sa mga kababaihan sa ilalim ng Magna Carta for Women (R.A. 9262) at ang Violence Against Women and Children Leave (R.A. 9262).


Ang mga leave benefits ay dagdag sa five days service incentive leave na naka-fixed na sa ilalim ng Labor 6.

Hinimok ng DOLE ang mga employer at kasambahay na magkaroon ng magandang dayalogo at plantsahin ang mga gusot tungo sa pagkakaroon ng healthy working environment.

Facebook Comments