GOOD NEWS: MGA KAWANI AT KAPULISAN, NAGSAYAWAN BILANG PARTE NG PAG-EEHERSISYO SA BAYAN NG POZORRUBIO

Hindi natin maipagkakaila na lahat tayo ay kailangang mag ehersisyo pag gising natin sa umaga. Dahil uso parin ngayong taon ang pag sayaw, ilang mga kawani, opisyal, at mga kapulisan ay nakilahok sa pag exercise sa bayan ng Pozorrubio, Pangasinan nito lamang nakaraang January 3, 2022.
Ang tiktok dance challenge trend na may pamagat na “SEE TINH” ang ginamit na background music sa kanilang pag exercise dahil nga trending ito at kapag na pakinggan ay mapapasayaw ka.
Pinangunahan ni Pozorrubio Mayor Kelvin Chan ang nasabing aktibidad.

Magandang bagay ang pag ehersisyo ng regular sa umaga upang maging mas masigla ang iyong pangangatawan lalong lalo na dahil kakasapit lang ng bagong taong 2023 at balik opisina na ang lahat ng mga empleyado. |ifmnews
Facebook Comments