GOOD NEWS | Mga nabiktima ng bagyong Ompong, maaaring umutang sa PAGIBIG, requiremens para makakuha nito pinadali – ayon sa Malacañang
Ibinalita ngayon ng Palasyo ng Malacañang na magpapautang ang PAGIBIG Fund sa mga nabiktima ng bagyong Ompong.
Ayon kay Presidential Spokesman Secretary Harry Roque, maaaring umutang ng hanggang 150,000 piso ang mga matitinding nabiktima ng bagyo sa mga buong bansa lalo na sa mga nakatira sa Northern hanggang Central Luzon.
Sinabi ni Roque na ang kailangan lang ibigay ng mga gustong umutang sa PAGIBIG ay ang litrato ng kanilang bahay na nasira ng bagyo at titulo nito para mabilis na maiproseso ang kanilang mga papeles.
Samantala, magbibigay din naman aniya ang Social Security System ng 20,000 kada pamilyang namatayan dahil sa landslide sa Itogon sa Benguet at sa Naga City sa Cebu.
Bukod dito, sa susunod na tatlong linggo rin aiya ay maglalabas ng 6 na milyon pisong pension loans ang SSS para sa mga apektado ng dalawang magkahiwalay na landslide.