Ibinida ni President Philippine Economic Zones Association Francisco Zaldarriaga na malaki ang kanilang naitulong upang mabawasan ang mga factory na nagsisiksikan sa Metro Manila at ilipat sa mga lalawigan.
Sa ginanap na forum sa Kapihan sa Manila Bay sinabi ni Zaldarriaga na ang decongested o siksikan na mga factory sa Metro Manila ay nababawasan dahil naglagak sila ng bilyong pisong pondo para mamuhunan ng negosyo sa mga lalawigan.
Paliwanag ni Zaldarriaga na maraming mga Pilipino sa ibat-ibang lalawigan na walang hanapbuhay ang nabibigyan ng trabaho sa pamamagitan ng kanilang kumpanya.
Umaasa si Zaldarriaga na huwag ng lumuwas sa Manila ang mga nasa probinsiya dahil inilalapit nila ang trabaho sa pamamagitan ng pagtatayo ng mga factory sa mga lalawigan upang hindi magsiksikan ng tao sa Metro Manila para lamang maghanap ng trabaho.