GOOD NEWS | Mga undocumented Pinoy sa Jordan, aasikasuhin – PRRD

Jordan – Inatasan ni Pangulong Rodrigo Duterte si Foreign affairs Secretary Alan Peter Cayetano na tutukan ang problema ng ilang undocumented Pilipino na naninirahan sa Jordan.

Ito ang sinabi ni Pangulong Duterte sa harap ng Filipino community sa Amman Jordan kung saan sinabi ng Pangulo na tatrabahuhin niya na maayos ang mga papel ng mga undocumented Pinoy sa Jordan.

Natuwa naman ang mga OFW sa narinig at naghiyawan nang marinig ito mula sa Pangulo.


Batay sa impormasyong mula sa Embahada ng Pilipinas sa Jordan ay 43 na libo ang mga OFW na nagtatrabaho dito.

Pero wala namang inilabas na datos ang Embahada kung ilan ang mga undocumented na Pinoy na nandito sa Jordan.

Umuwi na si Pangulong Duterte sa Pilipinas mula sa kanyang isang linggong official Visit sa Israel at sa Jordan kung saan ay aabot sa 140 million dollars na investment ang iniuwi ng Pangulo mula sa mga negosyante ng Israel at sa Jordan.

Facebook Comments