GOOD NEWS | Mid-year bonus ng mga empleyado ng gobyerno ngayon taon – matatanggap na sa susunod na linggo

Manila, Philippines – Good news sa 1.5 milyong empleyado ng gobyerno, simula sa susunod na linggo, May 15 ay makukuha niyo na ang inyong mid-year bonus para sa 2018.

Katumbas ng isang buwang sahod ang matatanggap ng mga empleyado ng gobyerno na may apat na buwan pataas na sa trabaho.

Mabibigyan din ng mid-year bonus ang mga empleyado na nakakuha ng satisfactory performance rating sa kanilang appraisal period.


Aabot sa 36.2 billion pesos ang pondong inilaan ng pamahalaan para sa mid-year bonus na nakapaloob sa 2018 national budget.

Facebook Comments