GOOD NEWS | Oil price rollback, asahan sa susunod na linggo

Asahan na ang panibagong rollback sa langis sa susunod na linggo.

Ayon kay Energy Secretary Alfonso Cusi, ito ay kung mananatiling ang magandang presyuhan sa world market.

Gayunman, hindi naman nagbigay ang DOE kung magkano ito dahil dedepende aniya ito sa mga oil companies.


Sa kabuuan, aabot na sa P5.50 ang ibinada ng presyo ng gasolina sa apat na beses na rollback habang nasa P3 sa diesel habang lagpas P2 sa kerosene.

Tiwala naman si Finance Assistant Secretary Antonio Lambino na may magandang epekto ito sa inflation rate bago matapos ang taon.

Sabi pa ni Lambino na kahit na bumaba pa ang presyo ng produktong petrolyo ay hindi nila babawiin ang rekomendasyon kay Pangulong Rodrigo Duterte na ipasuspendi ang panibagong round ng dagdag excise tax sa 2019 bunsod ng TRAIN Law.

Facebook Comments