GOOD NEWS | Oil price rollback, ipatutupad ngayong linggo

Manila, Philippines – Magpapatupad ng bawas presyo sa produktong petrolyo ang ilang kumpaniya ng langis ngayong linggo.

Sa abiso ng Pilipinas Shell Petroleum Corp, epektibo bukas, Disyembre 18, magtatapyas sila ng P0.10 sa kada litro ng gasolina, P0.25 sa kada litro ng diesel at P0.25 sa kada litro ng kerosene.

Una nang nag-anunsyo ng kaparehong rollback ang SeaOil Philippines Inc.


Inaasahang magpapatupad rin ng bawas presyo sa produktong petrolyo ang iba pang kumpaniya ng langis.

Facebook Comments