GOOD NEWS: ONE BONUAN ITINANGHAL NA PANALO SA KATATAPOS NA DIAMOND JUBILEE FIESTA BELEN-MAKING CONTEST

Inanunsyo kamakailan bilang panalo ang One Bonuan na binubuo ng 3 Cluster (Gueset, Binloc, Boquig) sa Belen-Making Contest bilang Paseo de Belen, Best Nativity Scene, sa ginanap na Barangay Night sa City Plaza, Dagupan City.
Hinirang din bilang pumapangalawa sa Belen-making Contest ang entry ng Dagupan Electric Corporation (DECORP) na sinundan naman ng Cluster 5 (Lucao, Malued, Lasip Chico, Lasip Grande, Pogo Chico, Pogo Grande).
Samantala, iginawad naman ang Special awardee sa United Architects of the Philippines-Pangasinan Scale.

Ang mga nagwagi ay nag uwi ng cash prize na P50,000 sa grand prize, P30,000 naman sa 1st place at P20,000 sa 2nd place.
Ang nasabing display ng Paseo de Belen sa de Venecia Road Ext. ay open para sa lahat at magtatagal hanggang ika-30 ng Disyembre 2022. |ifmnews
Facebook Comments