GOOD NEWS | Operasyon ng Cebu Pac, balik normal na; PAL, magkakaroon ng special flights para sa kanilang mga pasahero

Balik na sa normal ang operasyon ng Cebu Pacific matapos ang aberyang idinulot ng pagsadsad ng eroplano ng Xiamen airlines.

Ayon kay Charo Logarta Lagamon, Corporate Communications Director, Cebu Pacific – wala na silang kanselasyon ng biyahe ngayong araw.

Hindi na rin aniya kinakailangang maglabas pa ng special flights ang Cebu Pacific dahil na tapos na nila ang recovery sa mga apektadong pasahero.


Samantala, inanunsyo naman ng Philippine Airlines na magkakaroon sila ng special flights para ma-accommodate ang mga pasaherong naapektuhan.

Kabilang sa inilatag na special flights ng PAL ang mga sumusunod:
• flight patungong Vancouver, Canada
Aalis ng alas 6:00 ng gabi ng Martes, August 21
• flight 1654 patungong Riyadh at Dammam, Saudi Arabia
Aalis ng alas 11:40 ng umaga ng Miyerkules, August 22

Ngayong araw, kanselado naman ang flight PR 103 galing Los Angeles pabalik ng Manila.

Ang mga apektadong pasahero ng nasabing flight ay isasakay sa flight PR 5103 Los Angeles – Manila na aalis alas 3:30 mamayang hapon.

Sa datos ng MIAA, umabot sa mahigit 28,000 na mga pasahero ang naapektuhan ng pagsasara ng runway dahil sa sumadsad na eroplano ng Xiamen airlines.

Facebook Comments