Manila, Philippines – Inanunsyo ng Department of Trade and Industry (DTI) na lumago ng 4.1% year-on-year o katumbas ng USD 44.2 billion ang exports of goods and services ng Pilipinas sa unang bahagi pa lamang ng 2018.
Ito ay mas mataas kumpara sa USD 42.4B o 13% exports noong nakalipas na taon sa kaparehong panahon.
Ayon kay DTI Secretary Ramon Lopez ito ay katumbas ng 2.8% increase sa pagpapadala ng kalakal palabas ng bansa.
Sinabi pa ni Lopez na umaasa ang ahensya na magtutuloy-tuloy ang paglago ng ating export trade.
Kabilang sa mga produktong ine-export ng bansa ay electronic products, machinery at transport equipment at iba pang electronics.
Positibo naman si Lopez sa kasalukuyang pagbaba ng halaga ng piso ito ay dahil mas pinipili ng ibang bansa na bumili o tumangkilik ng goods & services sa Pilipinas na sa pamamagitan aniya nito ay makakamit ang target export ng ahensya na 9% bago matapos ang 2018.