GOOD NEWS! | Pag-IBIG Fund, nakatulong sa higit 30,000 pamilya na magkaroon ng sariling bahay

Manila, Philippines – Nakapaglabas ang Pag-IBIG fund ng 26 billion pesos na halaga ng housing loans sa unang limang buwan ng 2018.

Sabi ni Pag-IBIG Fund Chief Executive Officer Acmad Rizaldy Moti, ang housing loans ay nakatulong sa 32,274 na pamilya na magkaroon sa sarili nilang bahay kung saan 33% nito o higit 10,000 pamilya ay minimum at low wage income earners.

Ayon kay Housing and Urban Development Coordinating Council (HUDCC) Chairperson Eduardo Del Rosario, puspusan ang ginagawang hakbang ng Pag-IBIG para suportahan ang panawagan ni Pangulong Rodrigo Duterte na i-angat ang buhay ng bawat pamilya Pilipino sa pamamagitan ng social development programs.


Sa ilalim ng kasalukuyang administrasyon, nakapagpondo na ang Pag-IBIG ng higit 150,000 housing units na nagkakahalaga ng 123.8 billion pesos mula July 2016 hanggang May 2018.

Facebook Comments