GOOD NEWS | Pagpasok ng isang international financial offshore company sa CEZA, lilikha ng 20,000 trabaho

Ipinagmalaki ni Cagayan Economic Zone Authority (CEZA) Director Raul Lambino ang pagpasok ng labimpitong multi-million dollar companies sa Northern Luzon.

Sa isinagawang launching ng Lianett Technology, isang international financial company, sinabi ni Lambino na makasaysayan ang pagpasok ng major player sa larangan ng cryptocurrency.

Bukod aniya sa lilikhaing dalawamput limang libong trabaho, magpapayabong din ito sa lokal na ekonomiya ng Northern luzon at sa kabuuan ng bansa.


Ang bagong currency technology gaya ng Blackchain ay pinaniniwalaang nagpataas ng ekonomiya ng Japan matapos silang magkaroong economic imbalances na naranasan nito sa nakalipas na panahon.

Napiling pumasok sa Pilipinas ng labimpito sa 36 na investors dahil sa isratehikong lugar sa Asian region.

Facebook Comments