GOOD NEWS | Pagrehistro ng bagong sasakyan sa NCR, online na ang pagbabayad

Manila, Philippines – Gagawin ng online ng Land Transportation Office ang pagbabayad para sa pagpaparehistro ng mga bagong sasakyan sa National Capital Region (NCR).

Ayon sa LTO, layon nitong mapabilis ang produksyon ng license plates para sa mga bagong rehistrong sasakyan at maiwasan ang mga fixer.

Saklaw ng naturang sistema ang mga bagong sasakyan pero hindi magtatagal ay isasama na rin ang renewal ng lisensya at registration.


Ayon kay Angie Fadriquela ng LTO-NCR finance, hindi na kailangang lumapit sa mga fixer para sa proseso dahil kahit sa kani-kanyang tahanan ay maaari nang magbayad ng transactions para sa new registration.

Ibig sabihin, dalawa hanggang tatlong araw lang ang hihintayin ay may plaka na ang isang bagong labas na sasakyan.

Facebook Comments