GOOD NEWS! | Pamamahagi ng fuel vouchers sa mga jeepney drivers, aarangkada muli

Manila, Philippines – Muling ipapamahagi ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) ang mga fuel vouchers sa mga jeepney drivers ngayong araw, August 07.

Matatandaang itinigil ang pamimigay ng fuel subsidy dahil nagkaroong problema sa ilang ATM card.

Ayon kay LTFRB Executive Director, Atty. Samuel Jardin, halos 1,000 tsuper na ang nabigyan ng tulong sa Metro Manila.


Nagbabala naman si Jardin sa mga magsasamantala sa ayuda ng pamahalaan na hindi ito gagawin ng tama.

Isang driver na aniya ang nadiskwalipika mula sa programa dahil hindi lamang sa gas lamang niya ginamit ang nasabing pera.

Facebook Comments