GOOD NEWS! | Passport on Wheels, mas palalawakin pa ang kanilang serbisyo

Manila, Philippines – Ipagpapatuloy ng Department of Foreign Affairs (DFA) ang kanilang mas pinalawak na serbisyo publiko.

Ito ay sa pamamagitan ng pagpunta ng kanilang Passport on Wheels sa ibat-ibang tanggapan, ospital, subdivisions at mga paaralan sa buong bansa.

Ayon kay Foreign Affairs Secretary Alan Peter Cayetano simula nang ilunsad nila ang POW noong Enero, nakapag-accommodate na sila ng 138,000 passport applications.


Layon din nitong ilapit ang passport application sa publiko nang sa gayon ay hindi na kailangan pang magtungo sa mga consular offices ang mga nais mag apply at mag re-new ng kani-kanilang mga pasaporte.

Kasunod nito hinihikayat naman ni Assistant Secretary for Consular Affairs Frank Cimafranca ang mga kumpanya, eskwelahan at ibat-ibang organisasyon na gustong mag-avail ng POW na sumulat lamang sa Assistant Secretary for Consular Affairs ng DFA at i-email sa mps@oca.dfa.gov.ph.
Kinakailangang ilagay sa email ang estimated number of applicants (minimum of 500 & maximum of 2,000) pangalan at contact details ng requesting party, designated Passport Coordinator, at ang kanilang preferred schedule.

Facebook Comments