GOOD NEWS | Patuloy na pagbaba ng presyo ng langis sa world market, magkakaroon ng magandang epekto sa inflation – DOE

Manila, Philippines – Inihayag ng Department of Energy na isang magandang balita ang patuloy na pagbaba ng presyo langis sa world market dahil magreresulta ito ng pagbaba ng inflation sa bansa.

Matatandaan na nanatili sa 6.7% ang inflation rate sa bansa noong nakaraang buwan ng Oktubre na itinuturing na pinakamataas sa ilang nakalipas na taon.

Sa Briefing sa Malacañang ay sinabi ni Energy Secretary Alfonso Cusi na mayroon pang inaasahang rollback sa presyo ng produktong petrolyo sa susunod na linggo at ito ay isa sa mga contributory factors sa paggalaw ng inflation sa bansa.


Paliwanag ni Cusi, sakaling magpatuloy ang pagbaba ng presyo ng langis sa international Market ay tiyak na mapapanatili nito ang inflation o di naman kaya ay bumaba ito dahil maiiwasan ang negatibong epekto ng mataas na presyo ng langis sa mga pangunahing bilihin sa Pilipinas.
Binigyang diin naman ni Finance Assistant Secretary Tony Lambino na ang pagbaba ng presyo ng langis sa world market ay mayroong direktang epekto sa ikatlong factor ng inflation kung saan kabilang dito ang kuryente, LPG at gasolina ng mga pribadong sasakyan at 3 hanggang 10% ng cost of production ang mababawas sa mga ito kung magpapatuloy ang pagbaba ng presyo ng langis sa world market.

Facebook Comments