Muling bumisita si Presidential Communication Operations Office Sec. Martin Andanar upang maging panauhing pandangal ng isang university graduation rites at ilan pang mga events sa lungsod ng Dagupan. Ibinida ni Sec. Andanar ang matugumpay na state visit ng Pangulong Duterte sa Boao Forum sa bansang China noong nakaraang linggo.
Ibinalita nito na ang Duterte Administration ay matagumpay na nakakuha ng grant para sa Pilipinas mula sa China na aabot sa 3.5 billion pesos bukod pa dito ang $9 billion dollars’ worth of investments, anim na bilateral agreements kung saan isa dito ay ang 140 million pesos para sa PCOO equipment upgrades at ang 2 weeks scholarship para sa mga mapipiling government and private media na tutungong China para sa nasabing exchange program ng bansa.
Sa opening statement ni Andanar nabanggit nito ang tungkol sa posibleng pagtakbo ni Special Assistant to the President Bong Go sa senado ngunit ayon sa kalihim wala pang pinal na desisyon si Go hinggil sa lumalakas umanong panawagang ito. Ayon kay Andanar tatakbo lamang si Go sa 2 dahilan at isang kondisyon, una ay para maprotektahan ang pangulo sakaling sa pagbaba nito sa pwesto ay may mga kasong haharapin, masigurong maibigay ang pangangailangan ng mamayan, at siya parin ang magiging special assistant ng president kahit pa sakaling maging senador.
Malugod din na ibinalita ng kalihim ang pagpapalusot sa humigit kumulang na 100 million pesos worth of project para sa rehiyon uno na pinursige umanong itinulak ni ASP Sec. Go mula sa 200 million pesos fund na disapproved upang masiguro umanong maisakatuparan ang ilang pending projects para sa buong rehiyon.
Naitanong din sa nasabing press conference ang posisyon ng palasyo hinggil sa pagpili ng facebook sa rappler at vera files bilang mga third party fact checking organization nito kung saan sinabi ng kalihim na nakikipag-ugnayan na ang facebook sa kanilang opisina ngunit wala pang pormal na pag-uusap na nagaganap dahil isinasapinal pa ang magiging position statement ng palasyo na pinapatutukan kay Usec. Badoy. Ngunit nanawagan ang kalihim na sana’y ihiwalay ang usaping burukrasya at pulitika sa aspetong ito.
Pagkatapos ng nasabing conference agad nagtungo ang kalihim sa graduation rites ng isang unibersidad ngayong araw upang mag-talumpati at dumalo rin ito sa isang liga ng basketball na inorganisa ng mga pro Duterte supporters sa lalawigan.